Ang JoyRide Philippines ay isang bagong ride-hailing company na katulad ng Angkas at Move It, Kasalukuyang may 6,000 na riders ang JoyRide Philippines at ang mga rider na ito ay tinatawag nilang Kasundo. Ayon sa JoyRide, ang isang driver ay maaring kumita ng 1,000 Pesos hanggang 1,500 Pesos kada araw. Kasalukuyang tumatanggap ng application ang JoyRide Philippines.
Read Next: How to Apply for Boundary Hulog for Motorcycle
JoyRide Rates and Biker Earnings
Sample Biker’s Earnings Computation: Kung ikaw ay may 10 customer bawat araw na may average distance na 10 kilometers each, ikaw ay kikita ng 26,000 Php kada buwan (26 days ang ginamit sa sample computation, 1 araw na pahinga sa isang linggo).
1,000 Daily Income = (50 pesos + (10 pesos x 5 km)) x 10 customers
26,000 Php Monthly Income = 1,000 pesos x 26 days
JoyRide Application Requirements
Madali lang mag-apply bilang isang JoyRide PH Kasundo Biker. Dapat ikaw ay may edad na at least 20 years old bago para makapag-apply. Meroong at least 7 requirements na kailangan para sa application sa JoyRide.
- Motorcycle or Scooter (100cc to 200cc) – ang motor na gagamitin ay dapat nasa maayos na kundisyon. Hindi rin maaring gumamit ng sports bike or dirt bike.
- OR/CR of Motorcycle or Scooter – Ito ang magpapatibay na ikaw ang nagmamay-ari ng motor.
- NBI Clearance – Para sa validation of records.
- Police Clearance or Barangay Clearance –
- Professional Driver’s License – Kailangan nito dahil ikaw ay magdadala ng pasahero.
- Mobile Phone (Android Version 6.0 or Higher) – Ito ay isa sa mga pangunahing requirement para makapag-apply sa JoyRide. Kailangan iinstall ang JoyRide Driver app.
- Authorization Letter from the Owner – Kung hindi ikaw ang may-ari ng motor. Ito ang magpapatunay na pinahihintulutan ka ng may-ari na gamitin ito sa JoyRide.
- Fit to Work Medical Certificate – Kung ikaw ay 50-55 years old, kailangan mo ito para malaman na ikaw ay healthy at capable.
How to Apply As JoyRide Biker
Kung nais mong mag-apply sa JoyRide, sundan lamang ang step-by-step JoyRide Application process na nakasaad sa ibaba.
Step 1: Siguraduhing kumpleto at tama ang inyong requirements.
Step 2: Click this link and fill up the JoyRide Online Application form.
Step 3: After ninyo maisubmit ang online application, hintayin ang text message mula sa JoyRide Philippines kung kailan ang schedule ng inyong Training at Onboarding.
Read Next: GrabBike Application Process
Motorcycle Details
Mga kailangan na impormasyon:
- Motorcycle Brand
- Motorcycle Model
- Model Year
- Piston Displacement
- Plate Number
- Engine Number
- Chassis Number
- OR Expiry Date
- Motorcycle Type
- Driver’s License Type
- Driver’s License Number
- Driver’s License Expiry Date
Frequently Asked Questions
Ang pagreregister sa JoyRide ay walang bayad / libre.
Sa JoyRide pwede kang magfull time o part-time.
Yes, kailangan ng professional license dahil ikaw ay naghahatid ng mga pasahero.
Yes, nagkaconduct ng skills training ang JoyRide at tumatanggap din sila ng walk-in applicants sa JoyRide PH Onboarding Facility sa 80 Marcos Highway, Brgy. Mayamot Antipolo city.
Yes. Pero kailangan mo pa din itong ipasa.
Ang JoyRide Philippines ay pagmamay-ari ni Ralph Nubla, isang banker, at ni Bes Chua, isang businesswoman.