Katulad ng Grab at Lalamove, ang Mr. Speedy ay isang delivery service na tumutugon sa mga delivery request ng kanilang dumaraming customer. Kung ikaw ay may motorsiklo o sasakyan tulad ng kotse o van, maari kang mag-apply bilang courier sa Mr. Speedy. Narito ang mga requirements na kailangan mo para sa Mr. Speedy application.
Read Next: Joyride Application Process for Drivers
Mr. Speedy Application Requirements
Ang maganda sa pag-apply sa Mr. Speedy ay hindi mo na kailangang pumunta sa kanilang opisina—kailangan lang i-download ang kanilang courier app kung saan mo ipapasa/ipapakita ang mga sumusunod na requirements:
- BIR Tax Identification Number (TIN)
- Driver’s License
- NBI o Police Clearance
- LTO Registration (OR/CR)
- At least P300 for top-up amount
- Vehicle: Motorsiklo, Kotse (Sedan, SUV, etc.), Van (L300, Light Truck, etc.
How to Apply as a Mr. Speedy Courier
Step 1 – I-download ang Mr. Speedy COURIER APP. Iba ito sa kanilang app para sa mga gustong magpa-deliver.
Step 2 – Buksan ang app at piliin ang REGISTRATION.
Step 3 – Ilagay ang inyong mobile number at mag-request ng OTP (one time password). Kapag nakuha na ang OTP. Huwag kalimutang i-tap ang “By registering I agree with Terms of use of MrSpeedy” upang magpatuloy.
Step 4 – Ilagay ang inyong buong pangalan: First Name at Surname (Apelyido), Email Address, at Larawan.
Step 5 – Ilagay ang inyong BIR Tax Identification Number o TIN.
Step 6 – Piliin ang sasakyan na gagamitin. Ilagay ang number ng inyong lisensya or driver’s license. Pagkatapos, pindutin ang SIGN UP.
Step 7 – Habang hinihintay ang activation ng registration, pumunta sa SETTINGS.
Step 8 – Under DEFAULT NAVIGATOR, ilagay kung Google Maps o Waze ang gagamitin.
TIP: Ayon sa maraming rider, mas madaling gamitin ang Waze.
Step 9 – I-fill out ang lahat ng mga detalye sa FULL NAME, BIR TAX, VEHICLE TYPE, REFERENCES, at EMAIL. Sa references, maaring ilagay ang detalye ng inyong kamag-anak.
Step 10 – Siguraduhing naka-upload ang inyong PHOTO at kopya ng inyong DRIVER’S LICENSE, NBI/POLICE CLEARANCE, at LTO REGISTRATION.
Step 11 – Pagkatapos ma-submit ang requirements, pumunta sa http://bit.ly/mrspdy at sagutan ang exam. Kailangang mong makakuha ng 80% upang pumasa.
Step 12 – Kapag na-approve na ang inyong account, pumunta sa mrspeedy.ph/topup at sundin ang proseso sa pag-top up. Ang minimum na maaring i-top up ay P300. Hintayin ang confirmation sa loob ng 2-3 araw.
Step 13 – Kapag pumasok na ang P300 sa inyong Mr. Speedy Account, pumunta sa MRSPEEDY ID at i-download ang inyong Certificate, ID Card, at additional ID for Police check. Ipa-print ang mga ito at ipa-laminate.
Kapag nagawa nyo na ang lahat ng iyan, congratulations! Puwede na kayong kumuha ng biyahe bilang isang Mr. Speedy Courier!
Frequently Asked Questions
Hindi. Ayon sa gobyerno, ang mga driver na kumikita sa pagmamaneho ay kinakailangang may professional driver’s license.
Ang pag-aapply sa Mr. Speedy ay libre, ngunit kailangang mag-top up ng P300 upang magkaroon ng paunang laman ang inyong Mr. Speedy account. Kailangan rin ng P1000 cash bond.
Maaaring gumamit ng motorsiklo, van, light truck, sedan, at SUV.
Hindi po. Professional driver’s license po ang kailangan.