Ang Grab ay isa sa mga sikat na ride-hailing applications sa Pilipinas. Mayroon silang tinatayang 40,000 na mga drayber na nagbibigay ng serbisyo ng transportasyon sa iba’t ibang lugar sa bansa.
Maraming mga Pilipino ang nag-aapply upang maging mga drayber at operator ng Grab. Ang mga drayber ay maaaring kumita nang malaki habang may ganap na kontrol sa kanilang oras ng trabaho. Tumatanggap din sila ng mga benepisyo tulad ng GrabCare package at Ka-Grab Rewards Plus. Ang GrabCare package ay nagbibigay ng iba’t ibang uri ng tulong, tulad ng sa panahon ng kalamidad, tulong sa gastos sa ospital, at maging educational assistance. Ang Ka-Grab Rewards Plus naman ay nagbibigay ng iba’t ibang perks sa mga drayber katulad ng life insurance at fuel vouchers.
Ang mga Grab operators naman ay mayroong mataas na income potential. Kung marami silang available na sasakyan, malaki rin ang pwedeng kitain.
Kung ikaw ay naghahanap ng karagdagang pinagkukunan ng kita, ipapaliwanag ng blog post na ito ang mga requirements sa pagiging Grab drayber at operator.
Grab Driver Requirements
Mayroong dalawang transportation services under Grab – private car and taxi. Pareho ang requirements para sa dalawang kategorya.
Ito ang mga requirements para sa Grab drivers na nasa Metro Manila:
- 18-70 years old – Para sa mga drivers 60 and up, kailangan ng fit-to-work medical clearance
- Professional driver’s license
- Drug test clearance from an accredited drug testing laboratory
- Valid National Bureau of Investigation (NBI) background check clearance
- Vehicle OR/CR
- PA (Provisional Authority)
- Covid-19 Vaccination Card
- Certificate of Conformity – Kung ang iyong sasakyan ay naka-loan sa bangko o financial institution at patuloy ka pang nagbabayad ng amortization/payment, kailangan mo nito.
- 4 copies of Notarized Verified Application
- 1 photocopy of Proof of Filipino Citizenship**
- 1 photocopy x LTO Official Receipt (OR) and Certificate of Registration (CR) of authorized unit/s. Ang ORCR ay dapat naka-pangalan sa TNVS applicant o vehicle owner.
- Passenger Insurance (i.e. PAMI or SCCI)
- Personal Appearance on the day of the appointment date at the LTFRB Central Office, East Ave, Quezon City.
**Para sa Proof of Filipino Citizenship, maaari kang magdala ng alin man sa sumusunod:
- Authenticated Birth Certificate from the Philippine Statistics Authority
- Valid Philippine Passport
- Voter’s I.D.
- Marriage Certificate
GrabCar vs GrabTaxi in the Philippines
May dalawang klase ng serbisyo ang Grab na pwede mong salihan bilang driver: GrabCar at GrabTaxi. Habang pareho silang may in-app navigation at live updates para sa mga lugar na mataas ang demand, ang GrabCar ay may fixed fare at exclusive rewards, samantalang ang GrabTaxi ay may traditional metered fare system na may dagdag na financial management tools at support features para sa mga driver.
GrabCar
Ang GrabCar ay walang metro at may fixed rate. Alam mo na agad at ng pasahero ang presyo ng biyahe. Kung ikaw ay isang GrabCar driver, mayroon kang exclusive rewards at benefits sa ilalim ng Ka-Grab Rewards Plus program.
Ang mga driver ng GrabCar ay nakakakuha ng ride requests at pwedeng i-track ang kita nila gamit ang app. Sa app ay mayroon din live updates ng mga lugar na mataas ang demand at in-app navigation mula pick-up hanggang drop-off para mas madali ang biyahe.
GrabTaxi
Ang GrabTaxi naman ay gumagamit ng metro. Ibig sabihin, ang presyo ng biyahe ay base sa layo ng pupuntahan at oras na ginugol sa biyahe. Ang mga driver ng GrabTaxi ay nakakakuha rin ng ride requests gamit ang app kaya hindi na nila kailangan maghanap ng pasahero sa kalsada.
Pwede rin nilang i-track ang kita nila at mag-instant cash-out sa kanilang bank account. May earning insights din sa app para matulungan sila sa pagplano ng kanilang finances. Bukod dito, may 24/7 driver-partner support at safety toolkit ang GrabTaxi para sa mas ligtas na pagbiyahe.
Grab Operator Requirements
Ang mga Grab Operator ay ang may-ari ng saksayan. Bilang may-ari ng sasakyan, maraming forms at requirements na kailang isumite. Ito ang mga kailangan mong ihanda kung balak mong maging Grab operator sa Metro Manila:
- Valid Government ID of the new operator
- Certificate of Conformity – Kung ang iyong sasakyan ay naka-loan sa bangko o financial institution at patuloy ka pang nagbabayad ng amortization/payment, kailangan mo nito.
- LTO Official Receipt (OR) and Certificate of Registration (CR) or Sales Invoice/Delivery Note of vehicle dealer
- Passenger Insurance (i.e. PAMI or SCCI)
- Personal Appearance on the day of the appointment date at the LTFRB Central Office, East Ave, Quezon City.
LTFRB/TNVS Accreditation Documents
- Application with Case #
- Provisional Authority (PA)
- Temporary Authority Stamp (TAS) if expired PA or case number
- Certificate of Public Convenience (CPC)
- Receipt for each issued document
Bukod sa mga nakasasad sa itaas, may mga supporting documents kang kailangan ipada. Makikita mo lahat ng iyon dito.
GrabCar Application Process
Ito ang mga hakbang para maka pag apply sa Grab kung ikaw ay taga-Metro Manila.
STEP 1. Kumuha ng Appointment Date para sa application ng Provisional Authority (PA).
STEP 1.1. Mag-book ng inyong Appointment Date. Ang mga sumusunod na hakbang sa ibaba ay batay sa pinakabagong proseso ng LTFRB (update as of December 2022). Simula Enero 9, 2023, hindi na kinakailangan ng aplikante na kumuha ng appointment date sa website ng LTFRB.
Maaari na kayong dumiretso sa Grab para magpasa ng inyong mga kinakailangang dokumento at sila na ang bahala sa pagproseso nito sa LTFRB. Tatanggapin lamang ng LTFRB ang 100 aplikante kada araw
STEP 1.2:.Kung hindi ka makakapunta agad sa Grab office, pumili ng inyong appointment sa Grab TNVS Scheduler.
STEP 1.3. Pumili ng iskedyul sa kalendaryo at i-click ang “Next” Pumili ng petsa na may available slot.
STEP 2. I-submit ang requirements sa nakatakdang appointment date.
Step 2.1. Ilagay lahat ng requirements sa isang Long Orange Folder.
Step 2.2. Ihanda ang pambayad para sa passenger insurance (tingnan ang talahanayan sa ibaba). Si Grab na ang bahala sa pagbili ng Passenger Insurance bilang bahagi ng proseso ng pag-aayos.
Passenger Insurance from SSCI | Fee |
Sedan | ₱2,369.00 |
SUV/Premium | ₱3,139.00 |
Step 2.3. Ihanda ang TNVS Application Fees
LTFRB Processing Fee | For one unit | Additional cost per unit |
Filing fee (first 2 units) | ₱ 510.00 | ₱ 70.00 |
Legal Research Fee | ₱ 10.00 | |
Provisional Authority Fee | ₱ 250.00 |
Legal Assistance Fees | Per Case Number (starting Jan 9, 2023) |
PA Filing Legal Assistance Fee(to be paid to Grab upon submission of PA requirements) | ₱ 3,000.00NOTE: As a form of assistance, Grab will provide ₱ 2,000.00 legal subsidy once you complete onboarding |
CPC Hearing Legal Assistance Fee(to be paid to lawyer upon submission of FOE requirements) | ₱ 3,000.00NOTE: As a form of assistance, Grab will provide ₱ 1,000.00 legal subsidy once your hearing is successful |
Step 2.4. Kunin sa Grab Office ang iyong PA
Pag nakuha na ang inyong PA mula sa LTFRB, makakatanggap kayo ng isa pang SMS na may mga tagubilin kung paano kukunin ang inyong PA sa Grab office.
Paalala: Kung ang iyong Provisional Authority (PA) ay nag-expire bago mo pa makuha ang iyong CPC, kailangan mong kumuha ng PA Extension para makapagpatuloy sa pagbibiyahe bilang TNVS.
STEP 3. Dumalo sa CPC Hearing.
Step 3.1. Ihanda ang Formal Offer of Evidence (download FOE here) na naglalaman ng lahat ng requirements ng LTFRB bago ang CPC hearing. Simula Mayo 2022, kailangan may kasama kayong Authorized Representative ng TNC sa hearing.
Kung wala, maaaring ma-dismiss ang application. Kung nais niyong magpa-represent sa Grab, pumunta sa Grab TNVS Assistance Hub at least 5-10 working days bago ang hearing para ma-submit ang requirements sa aming partner lawyers.
Online ang hearing process. I-check ang inyong email para sa Zoom link mula sa LTFRB. Para sa mga tanong, kontakin ang inyong Grab partner lawyer.
Step 3.2. Para sa dismissed cases
Kung nakatanggap ka ng ‘Dismissal Order’ pagkatapos ng tatlong (3) hindi matagumpay na hearing dates, kailangan mong mag-file ng Motion for Reconsideration para makakuha ng bagong Notice of Hearing:
Dalhin ang mga sumusunod sa pag-file ng iyong Motion for Reconsideration:
- 4 na kopya ng Motion for Reconsideration (na inihanda ng abogado)
- Photocopy ng Dismissal Order
- Special Power of Attorney kasama ang 2 photocopy ng government IDs (may 3 pirma)
STEP 4. Kunin ang iyong CPC mula sa LTFRB. Fully Accredited ka na bilang isang TNVS.
Mahalagang Impormasyon tungkol sa iyong CPC:
- Simula 2018, ang CPC ay valid at renewable tuwing 2 taon.
- Puwedeng gamitin ang iyong sasakyan sa TNVS hanggang 7 taon (mula sa petsa ng pagkakagawa).
- Siguraduhing updated ang valid CPC mo sa Grab system para tuloy-tuloy ang biyahe.
STEP 5. Pagpapalit ng klasipikasyon ng sasakyan.
Pagkatapos makuha ang iyong CPC mula sa LTFRB, pumunta sa LTO sa loob ng 30 araw para mapalitan ang klasipikasyon ng iyong sasakyan mula Private owned to Public Utility Vehicle.
Mga kailangan:
- Photocopy ng OR/CR na may certified true copy mula sa financing (Bank)
- Certificate of Conformity
- Certificate of Cover (Insurance)
- Certificate of Public Convenience (CPC)
- Actual Inspection ng Motor at duly accomplished MVIR
- Affidavit of Warranty
- 2 Valid ID
- Certified true copy ng records mula sa NCR (kung ang motor vehicle ay bagong rehistro mula NCR)
- Electronic confirmation ng franchise (260 – 300 pesos penalty per month mula LTFRB hanggang ma-rehistro sa LTO)
STEP 6. CPC renewal or extension.
Ang CPC ay valid at renewable tuwing 2 taon. Kailangan ng LTFRB na mag-renew ng CPC ang bawat TNVS para makapagpatuloy bumiyahe sa napiling TNC. Siguraduhing valid ang iyong CPC sa ating sistema para tuloy-tuloy ang biyahe.
Paano mag-renew ng CPC?
- Mag-file ng extension of validity (makukuha mula sa anumang law firm o notary public) ng CPC 6 buwan bago ang expiration date (walk-in).
- Hintayin ang notice of hearing na ipapadala sa email sa loob ng 1 hanggang 2 buwan.
- Kumpletuhin ang lahat ng requirements. I-compile sa DARK BLUE folder at ilagay ang “Extension of Validity”.
TNVS Application for Outside Metro Manila
Ito ang mga requirements na kailangang ihanda ng TNVS applicants na nakatira sa Pampanga, Cebu and Bacolod.
STEP 1. Ihanda ang mga requirements na kailangan para sa Case No. at PA.
Lahat ng requirements at Application Form ay kailangang ilagay sa LONG ORANGE FOLDER:
- 4 copies x Notarized Verified Application nagpapakita ng citizenship at financial capacity
- 1 photocopy x Proof of Filipino Citizenship
- 1 photocopy x Government Issued I.D. (with picture of the applicant)
- 1 photocopy x LTO Official Receipt (OR) and Certificate of Registration (CR) of authorized unit/s. Ang ORCR ay kailangang nakapangalan sa TNVS applicant o may-ari ng sasakyan. Siguraduhin na nakalagay ang year model sa ORCR.
- Operator’s Data Sheet. Tiyaking kumpleto ang details, latest picture at valid Driver’s License ng mga authorized driver/s
- Passenger Insurance (i.e. PAMI or SCCI)
- LGU Zoning Certificate for the location of the garage for three (3) units and up
- Certificate of Conformity. Ito ay karagdagang requirement para sa mga bagong aplikasyon na may appointment date mula Hulyo 29, 2019 pataas. Ito ay kinakailangan lamang para sa mga nakasanglang sasakyan.
- Proof of Existence and Sufficiency of Garage
Kailangan mo ipakita ang mga sumusunod:
- Location map (Google Map)
- Dimension of Garage
- Kung ang applicant ay ang may-ari ng garahe: magbigay ng Transfer Certificate of Title (TCT)/Tax Declaration sa pangalan ng applicant (vehicle owner).
- Kung ang applicant ay nagle-lease ng garahe: magbigay ng Notarized Contract of Lease/Authority to Use kasama ang kopya ng TCT ng Lessor.
PAALALA:
Ang mga nabanggit na requirements ay dapat nakapangalan sa TNVS Applicant (Vehicle Owner). Kung hindi makakapag-personal appearance ang TNVS Applicant, tanging direct ascendants (i.e. parents) o direct descendants (i.e. children) na may dalang Special Power of Attorney (SPA) at kalakip na Government issued ID mula sa applicant ang pinapayagang maging kinatawan.
Sa lahat ng mga naka-online appointment, ang Verified Application at Operator’s Data Sheet ay makikita sa confirmation email.
STEP 2. Pumunta sa pinakamalapit na Grab Driver Center. Para sa mga lungsod sa labas ng Metro Manila, iba ang proseso ng mga regional LTFRB offices sa pagkuha ng Provisional Authority.
Mainam na pumunta sa pinakamalapit na Grab Driver Center. Makikita ang address ng mga Grab Driver Centers dito.
GrabCar Model Requirements
Ayon sa Department Order No. 2015-011, ang mga Transport Network Vehicles (TNVs) ay mga sasakyang tulad ng sedans, AUVs, SUVs, at iba pang kahalintulad na sasakyan na hindi hihigit sa 3 taon mula sa petsa ng pagkakagawa kapag nirehistro sa isang Transport Network Company (TNC). Gayunpaman, maaaring mag-operate ang mga sasakyang ito hanggang 7 taon mula sa petsa ng pagkakagawa.
Mga Kategorya ng Sasakyan sa Grab
Para sa Grab, ang sedans at compact vehicles ay napapabilang sa GrabCar, habang ang executive sedans at AUVs at SUVs ay napapabilang sa GrabCar+. Hindi tumatanggap ang Grab ng pick-ups, vans, at hatchback.
Ito ang mga ilang modelo na kadalasang ginagamit na GrabCar at GrabCar+.
GrabCar | GrabCar+ |
---|---|
Toyota Vios | Toyota Fortuner |
Hyundai Accent | Mitsubishi Montero |
Honda City | Nissan Teana |
Mitsubishi Mirage | Hummer |
Mitsubishi Lancer |
Final Thoughts
Ang pagiging Grab driver o operator sa Pilipinas ay may proseso at requirements na kinakailangang sundin mula sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB). Kung nais mong maging driver, kailangan mong magkaroon ng lisensya, magpasa ng drug test at background check, at tiyakin na rehistrado ang iyong sasakyan.
Para naman sa mga gustong maging operator, kailangan ng mga legal na dokumento, financial capability, at maayos na garahe.
Mahalaga ring manatiling updated sa mga updates sa aplikasyon, tulad ng appointment scheduling at legal assistance fees, para sa magandang karanasan sa pag-aapply.
Ang pang-unawa at pagsunod sa mga kailangang hakbang ang susi para sa matagumpay at legal na pagpasok sa Grab.
55 Comments
Magkano ba kitaan sa Grab ngayon kung 12 hours ang byahe?
Depende sa oras ng byahe and kung may surge. Ang typical na gross kita kung ng mga driver ay nasa 2000 Pesos to 4000 Pesos. Hindi pa labas dyan yung gas and yung 20% commission ni Grab.
Yung phone ko na ginagamit ko sa grab nawala pano ko makukuha ang dati kong app
Depende kung operator ka or driver ka. Check the table above.
Saan po Yung table?
Balak ko sanang bumili ng kotse na member na ng grab tnvs at ako ang magmamaneho. Puwede po b. Kaya lang hind p ko member ng grab.
Pwede po yun. Ang problem lang eh baka wala pang franchise yung sasakyan na nabili nyo. Matrabaho mag asikaso ng prangkisa.
Good evening, thank you or the helpful post.
Gaano katagal ang approval ng prankisa?
My vios me 2020 gusto ko I pasok sa grab at ako po mag drive pano po ba I pasok ang kotse ko at gano po ka tagal ang process
toyota fortuner pede ba sa grab car…
Pwede!
Galing dito sa las piñas mag kano pamasahi
It depends kung may surge or wala and kung saan ka exactly sa Las Piñas. You should download Grab app to find out.
Kalan po mg open sa tlfrb ?
Wala pang announcement.
Saan po pwed mag aply suzuki swif car ko
Kuha ka muna sa LTFRB ng case number. Unfortunately, hindi sila open for new applicants. Antay ka magka opening ulit
Pede pa po b o tumatanggap pa po b ng unit ang grab at kung sure na makakalabas yung unit agad ksi balak po nmin mag pasok ng unit pero hulugan takot lang po bka mabitin kmi
Mag papa approve ka muna sa LTFRB. You need a case number first before ka makapag apply sa Grab
Hi meron ba grab driver dito sa dumaguete, if there is, where to apply?
Expander mitsubishi 2019
Pwde ba ipasok jan
Pwede
May age limit po b ang driver ng grab. 58 na ang age ko. Ako po ang maging operator ng sarili kong sasakyan. Pag nag aply po b sa LTFRB tnvs mayroon ng sadakyan.
Dapat may sasakyan na kayo. Wala naman age limit kung operator lang. Kung driver may age limit, pag 60 na papakuhanin kayo ng medical certificate bago kayo makapagdrive. Pero kung operator lang kaya wala namang age limit. Basta legal age of 18 pwede na mag operator.
Puwede po b ang AVP II 2010. 25K odo hind masyadong gamit umaalis po ako yearly (seaman). Ngayon hind nako aalis mag grab na lng ako.
Balak po namin mag labas ni mr ng vios tapos mag grab pwedi po ba anung unang step thanks
Hello Pamela! Kasulukuyang hindi tumatanggap ang LTFRB ng new applicants. Ang pinakaunang step ay ang pagkuha ng CASE NUMBER mula sa LTFRB. Antayin nyo muna magbukas si LTFRB ng bagong slot
Anong year model ng sasakyan ang pwede ipasok sa grab? Salamat.
Not older than 3 years yung year model so kung 2019 ngayon, 2016 and up lang tatanggapin.
Helo po ask lang po kung open ba ngayon ang grab para sa apliction ng grabcar,at nabasa ko po mga comment di pala tanggapin ni ltfrb kung walang titulo ng grahe o walang parking?plan kasi nami mag apply sana..
Salamt.
Open palagi ang Grab for new applications pero yung LTFRB hindi. You need to get a CASE NUMBER from LTFRB before ka mag-apply sa Grab and other TNVS like OWTO and HYPE. Case Number muna palagi before kayo magpunta sa TNVS companies.
Pano po mag-apply para maging operator?
kailangan nyo po muna ng kotse na nakarehistro sa LTDRB
Plano naming bumili ng sasakyan na nakalinya na sa grab at ang asawa ko na ang magiging operator and driver. Ano pong mga requirements and gaano katagal ang magiging process para makpagsimula na syang makapagDrive.
Andyan na po sa itaas lahat ng requirements na kailangan nyo. Babasahin nyo na lang. Siguraduhin nyo lang na may CPC na yung sasakyan na bibilihin nyo dahil kung PA lang yan, siguradong sasakit lang ang ulo nyo.
Bakit nyu po nasabe? anu po ba ang procedure pag PA pa lang? salamat po.
pwede po ba ang Toyota Rush?
Pwd ko po ba gawing grab ang car ko? mg two years plang po by august
Pwede. Kaso hindi open ang LTFB ngayon for new application.
Is it allowed Honda Brio 1.2 RS 2019 to use as grab car?
Pwede po b ung honda jazz ko 2010 model?
Sir pwede po ba ang honda brio sr sir getting hatchback kc sir 1st choice ko kunin kc medyo mura kasi monthly
Hindi na po tumatanggap ng hatchback
Apply po ako active grab driver po ako
hi!
may i ask if tumatanggap kayo ng suzuki apv ( model 2020)
what area the requirements for applying as you partner driver with own vehicle
im planning to buy a suzuki apv
do i need a professional drivers license or puede na po un non pro
thanks
Apply po ako bundery hulog grab driver po ako
Honda Civic 2020 pasok din sa list? as far as I can remember 2017 or 2018 ata? di sila recommended dahil di daw pasok sa minimum requirements?
Paano po kaya magapply bilang driver ng sarili kong sasakyan sa grab
Bumibyahe na po sa grab ang sasakyan ko gusto ko na po na ako ang magdrive bilang grab driver paano po kaya?
Yung phone ko na ginagamit ko sa grab nawala..pano uli ako makakakuha ng apps para makabiyahe uli ako.kc mag aaplay uli ako sa ibang operator.salamat po
Paano po mag add driver?
toyota wigo 2016 model,pwede po?
Ask lang po hm po ba franchise for grab?
2010 yr model po ng car tatanggapin po ba for grab car?
balak namin kumuha ng car para ipamasada, anu po iyong PA? anu po ung recommended na brand/store ng sasakyan na may CPC na?