Tag

Food delivery service

Browsing

Karamihan ng kumuha ng boundary hulog sa motorsiklo ay mga rider ng foodpanda at ibang pang motorcycle delivery rider. Paano nga ba mag-apply bilang foodpanda rider? Narito ang mga requirements at steps upang mapabilang sa isa sa mga nangungunang online food delivery service company sa Pilipinas.

Related Article: How to Register Your Food Business in Foodpanda

Foodpanda Rider Application Requirements

Dahil online ang application, kailangan mo munang siguraduhin na kumpleto ang inyong requirements. Eto ang mga kailangan mong ihanda kung ang gagamiting mong sasakyan ay motorsiklo or bisikleta, walker, at e-scooter:

Motorsiklo

  1. Professional Driver’s License
  2. OR/CR
  3. Valid ID
  4. NBI, Police Clearance or Barangay Clearance
  5. BIR Tax Identification Number (TIN)
  6. iOS 11.2 pataas o Android 5.0 pataas na phone

Bisikleta, Walker, at E-Scooter

  1. NBI, Police Clearance or Barangay Clearance
  2. BIR Tax Identification Number (TIN)
  3. Valid ID
  4. iOS 11.2 pataas o Android 5.0 pataas na phone

Paano mag-apply sa foodpanda bilang rider?

Step 1 – Pumunta sa rider.foodpanda.ph. Piliin ang inyong area at sasakyan na gagamitin (motorsiklo o bisikleta).

foodpanda rider application step 1

Step 2 – Matapos mapili ang iyong area at uri ng sasakyan na gagamitin, ilagay ang inyong personal information gaya ng pangalan, apelyido, at mobile number.

Step 3 – Simulan ang Phase 1 ng iyong application. Kailangan mong basahin ang contract at i-click ang Submit button para masimulan ang iyong training.

foodpanda contract signing step

Step 4 – Pagkatapos mo mong ma-submit ang contract, ay maaari mo nang simulan ang Phase 2 ng iyong application kung saan ay kailangan mong panoorin ang kanilang training video. At the end of the video, you will be asked if you watched the entire video and understood the training. Check the box indicating ‘’Yes.”

foodpanda rider training step

Step 5 – Pagkatapos mo panoorin ang video at sagutin ang confirmation, simulan ang document collection.

foodpanda rider document collection step

Ito ang ilan sa mga requirements na kailangan mo i-submit kasama ang iyong foodpanda application form:

  • Valid NBI or Police Clearance
  • Valid Professional Driver’s License (Motorcycle)
  • Updated OR/CR (Motorcycle)
  • Selfie kasama ang motor na gagamitin
  • Tax Identification Number
  • Vaccination Certificate

Aside from these documentary requirements, you will also be asked to provide your personal information. 

Step 6 – I-download ang foodpanda rider app mula sa Google Play Store kung Android user ka, o mula sa Appstore kung iPhone user ka.

Gumamit ng username at password na nakasaad sa iyong login details para makapasok sa iyong rider account. Pagpasok mo, kailangan mong mag-set ng bagong password. May hihingin na password change ang account sa unang pag-log in mo, at makakatanggap ka ng bagong password sa pamamagitan ng text message.

Tiyakin mong meron kang iOS 11.2 o Android 5.0 pataas para ma-install ang app nang maayos at mag-function ng maayos.

Step 7 – I-order ang iyong foodpanda rider kit.

Isang code ang ibibigay pagkatapos ng application process para magbayad online ng rider kit. Ang kabuuang halaga ng rider kit ng Foodpanda ay P3,000. Pwede kang pumili kung magbabayad ka ng downpayment na 500 pesos o bayaran agad ang buong halaga.

Ano bang kasama sa Foodpanda Rider Kit?

  • Foodpanda thermal box
  • Foodpanda bag
  • 2 Foodpanda Shirts

Frequently Asked Questions

Puwede bang gumamit ng non-professional driver’s license sa pag-apply?

Kailangan po na professional driver’s license ang gamitin sa pag-apply. Hindi pinapayagan ang non-pro.

Saan makikita ang foodpanda application form?

Pwede mong ma-access ang foodpanda application form sa link na ito.

How much is the salary of foodpanda rider?

Ang isang foodpanda rider ay maaaring kumita ng daily rate of 800 pesos or mas mataas pa depende sa dami ng orders na makukumpleto mo. 

Anu-anong sasakyan ang puwedeng gamitin?

Maaaring gumamit ng motorsiklo, bisikleta, walker, at e-scooter.

Gaano katagal bago ka matawagan tungkol sa inyong food panda rider application status?

May tatlong maaaring maging dahilan kung bakit na reject ang iyong application. 
1. Underage ka (below 18 years old)
2. May existing rider account ka sa foodpanda
3. Ang area na ina-applyan mo ay marami ng riders.