Earn

Ano ang Transportify at Paano Kumita Dito

Pinterest LinkedIn Tumblr

Nais mo bang kumita gamit ang iyong sasakyan? May iba’t-ibang paraan para kumita gamit ang iyong sasakyan. Madami na ngayon ang mga kumpanya katulad ng Lalamove, Grab, Transportify, Joyride at Angkas na nag-aalok ng paraan upang kumita gamit ang iyong sasakyan. Kung meron kang Sedan, L300 or Light truck, pwede mong pagkakitaan ang Transportify. Narito ang mga dapat mong malamn bago ka mag-apply sa Transportify.

Read Next: Boundary Hulog Program

What is Transportify?

Ano nga ba ang Transportify? Is Transportify a scam? Paano ba ang Transportify Application process? Katulad din ng, Grab at Lalamove, ang Transportify ay isang legit na courier service company kung saan ang customer ay pwede magpadala ng gamit mula sa pick up destination papunta sa nais na drop off destination. Ang Transportify driver ay kumikita sa bawat customer na kayang pagseserbisyohan.

Transportify Driver Earnings

Magkano ang kita sa Transportify? Ang isang Transportify driver ay maaring kumita ng hanggang 282,000 Pesos kada buwan. Ang kikitain mo ay depende sa sasakyan na iyong gagamitin, sa layo ng pick up and drop-off destination at sa dame ng customer na iyong pagseserbisyohan. Narito ang rates ng Transportify na pwede mong gamitin para ma-compute mo ang iyong pwedeng kitain sa isang araw.

Transportify Rates

transportify rates
Gamitin ang rates na ito para macompute ang pwedeng kitain.

Sample Driver Earnings Computation for Economy Bookings: Kung ikaw ay may 5 customer bawat araw at may average distance na 5 kilometers per booking, ikaw ay kikita ng 35,100 Pesos Per month (Gross income). Bawal bumiyahe ng coding kaya 26 days lang ang ating ginamit sa sample computation.

1,350 Pesos Daily Income = 170 Pesos + (20 Pesos x 5 Kilometers) x 5 customers

35,100 Pesos Monthly income = 1,350 Pesos Daily income x 26 days

Transportify Application Requirements

  • Mobile Phone + Data – Nirerequire ng Transportify ang nasa version 5.0 at pataas.
  • Driver’s License – Tinatanngap ng Transportify ang professional o non-professional driver’s license as long as validated ito ng three months.
  • Tax Identification Number (TIN) – In compliance with local legal requirements, at para na rin malaman ang pagiging lehitimo at ang iyong identity.
  • NBI Clearance – Kailangan ng original copy ng NBI Clearance para mavalidate ang records mo. Maaaring isubmit ito within four weeks upon activation upang makapagsimula na ng maaga.
  • OR/CR or Sales Invoice – Ito ang magpapatunay na ikaw ang may-ari ng sasakyan. Kung bago ang sasakyan at wala pang OR/CR, maaaring gumamit ng Sales Invoice.
  • Information – Para sa application.
  • Cash Deposit – Ang pag-aapply at pagattend sa seminar ay libre. ngunit kailangang maghanda ng 500Php. 150Php para sa Gcash kit at 350Php para naman sa Initial top up o sa iyong driver’s wallet.
  • Goverment ID – Kailangan nito maliban sa driver’s license, NBI Clearance at TIN.
  • Accepted Vehicles – Maaaring gamitin sa Transportify ang sedans, hatchbacks, and SUVs/MPVs (2004 model). Maaari din ang FB type vehicles tulad ng L300FB, H100, Kia K2700, NHR, at Foton Tornado. Inaaccept din ang Van type gaya ng HiAce, Grandia at Urvan.
Requirements

Paano mag-apply sa Transportify?

Step 1: Idownload ang mobile app for Android or IOS or mag sign up sa Transportify website.

Step 2: Ifill out ang application form. Siguradihing tama ang detalye na ilalagay sa form. Icheck kung tama ang mga impormasyon at pindutin ang submit button. After isubmit ang application, hintayin ang tawag o text mula sa Transportify.

transportify application

Transportify Seminar Schedule

Upang maging full-fledged transporter ng Transportify, pagkatapos makumpleto ang requirements, required din na umattend ng training. Kasama sa training ang orientations tungkol sa Transportify company, rules and regulations, protocols at iba pang mga posibleng maencounter mo bilang Transportify driver. Tatalakayin din dito ang iba pang mahahalagang impormasyon na kailangan mong malaman. Mayroon ding examination or Q&A portion sa seminar-training upang makasiguro na well-equipped ang mga drivers.

Alam mo ba na mas malaki ang kita kapag pinag sabay mo ang Transportify at Grab? Tignan dito kung paano mag-apply sa Grab.

Transportify Driver’s Benefits

Ikaw ang boss – sa Transportify, hawak mo ang oras mo. Pwede kang magbook anytime at kahit saang location mo gusto. Maaaring immediate, scheduled o full-day.

Kumita gamit ang iyong sasakyan – Maaari mo ng pagkakitaan ang iyong private car sa Transportify.

Mas mataas na kita – Nasa sa iyo kung ilang bookings ang tatanggapin mo sa isang araw. More bookings, more earnings. Pwede kang magpart-time o full-time dito.

Frequently Asked Questions (FAQs)

Magkano ang registration fee?

Walang registration fee sa pagaapply sa Transportify. Ito ay libre.

Paano ang mode of payment?

May dalawang mode of payment depende sa type of booking na iyong pinili. Maaaring direkta mula sa customer (cash) o ‘di kaya naman ay ihuhulog sa iyong bank account tuwing Tuesday.

Mayroon bang training?

Yes. Mayroong driver’s training na tatagal mula dalawa hanggang apat na oras.

Maglano ang kikitain sa Transportify?

Ang driver earnings o kita ay depende sa sasakyan na iyong gamit at sa bookings.

Who can apply for Transportify?

Sino nga ba ang pwedeng mag-apply? Kung ang edad ang pag-uusapan, walang age limit para sa mga drivers na nais mag-apply. As long as capable ang driver na magdeliver at mayroong siyang driver’s liscense, maicoconsider na siya na kwalipikado.

Do I need a Professional Driver’s License to apply?

Marami ang nagtatanong kung kailangan ba ng professional driver’s license para makapag-apply sa Transportify. No, sapat na ang driver’s license para makapag-apply sa Transportify.

Coverage area of Transportify

As long as it can be transported by land from Luzon.

Ilang araw bago magstart pagkatapos ng application?

Madali lang ang pag-aapply sa Transportify. Maaari kang mag-apply at magstart on the same day. As long as kumpleto na ang requirements, maaari ng iactivate and start onboard.

Author david

8 Comments

  1. Roger ballano durana Reply

    Gusto ko po mag apply ppano po mging driver partner as transportify unit ko po 7 seater xpander Mitsubishi

  2. Jackson batarao Reply

    How about if nagpa register na dati pero dipa naka biyahe na deactivate na kaya yun?

  3. Ferdinand Marasigan Reply

    Good day po gusto ko malaman ang proceso ng transportify, saan ba ang opisian nyo na pwede kong mapuntahan, maraming salamat. po

Write A Comment