Category

Earn

Category

Isa sa mga pinag-uusapan ngayon sa mundo ng online delivery services ay ang TokTok Express Delivery. Araw-araw, padami ng padami ang mga riders ng TokTok dahil sa maraming bookings na natatanggap nito mula sa mga customers. Ang isang TokTok Rider ay kumikita ng 1,000 to 2,500 Pesos, depende sa kanilang sipag at oras na inilalaan. Marami tuloy ang nagtatanong kung paano maging isang Toktok operator at kung paano maging isang TokTok rider. Kung gusto mo rin maging rider, narito ang TokTok application process na dapat mong sundan.

What is Toktok?

Ang TokTok ay isang express delivery app kung saan ang isang rider ay pwede kumita ng 1000 to 2,500 Pesos. Kagaya rin ng Lalamove at Grab. ang kita ng isang rider ay naka depende sa dame ng kaniyang byaheng matatanggap.

TokTok Rates and Riders Earnings

Sample Computation: Magkano nga ba ang kita sa Toktok? Bawat booking ay may base fare na 60 Pesos at ito ay madadagdagan ng 5 pesos bawat kilometro ng distansya mula sa pick-up and drop-off destination. Halimbawa, kung ang distansya mula sa pick-up at drop at 10 kilometers, ang booking fee mo ay magiging 110 pesos.

Booking Fee = 60 pesos base fare + (10 kilometers x 5 pesos) = 110 Pesos

toktok rates
Magkano ang kita sa Toktok

Related Article: Borzo Rider Application Process and Requirements

TokTok Rider Application Requirements

  • Motorcycle or Scooter (110cc and above) – Kailangan ng maayos na motor para sa pagdedeliver o pagpipick up ng mga items. Hindi maaaring gumamit ng E-bike.
  • OR/CR of Motorcycle or Scooter – Ito ay ang magpapatunay na ikaw ang may-ari ng motor na iyong gagamitin sa pagdedeliver. Siguraduhin na malinaw ang pagkakakuha ng OR at ng CR. Hindi pwedeng wala ang anuman sa dalawa. Kung hindi nakapangalan sa iyo, kailangan ng notarize na authorization letter mula sa may-ari.
  • NBI Clearance – Para sa validation of records. Siguraduhing hindi expired ang iyong NBI clearance
  • Professional Driver’s License – Ayun sa ating batas, lahat ng taong kumikita sa pagmamaneho ay dapat kumuha ng professional driver’s license. Siguraduhing professional license ang i-uupload mo upang hindi mareject ang iyong TokTok application.

How to apply as a Toktok rider?

Step 1: Magfill out ng form dito sa TokTok Rider Application Form para sa motorcycle at Toktok Driver application para sa 4 wheels. Siguraduhing tama at kumpleto ang mga detalyeng ilalagay sa form.

Step 2: Iupload ang mga hinihinging documents tulad na lang ng NBI clearance, professional driver’s licenses at OR/CR ng iyong motor. Kailangan ay malinaw ang pagkakakuha ng litrato na iaupload mo.

Step 3: Kung sigurado ka ng tama at kumpleto ang mga detalye, iclick ang submit.

Step 4: Mag-intay ng 2-3 days para sa confirmation na iyong matatanggap via text message.

Contact Info: Para sa iba pang katanungan, bumisita at magmessage sa FB page ng Toktok Riders Application

Related Article: How to become a Toktok Franchise

Frequently Asked Questions (FAQs)

Magkano ang application fee sa Toktok?

Libre lang ang pag-aapply bilang isang Toktok rider. Wala babayaran sa pag-register.

Pwede bang non-pro license ang gamitin?

Hindi. Kailangan ay professional driver’s license.

Pwede ba ang expired na NBI clearance?

Hindi pwedeng expired ang NBI clearance

Magkano ang pwedeng kitain ng isang Toktok rider?

Kung nag-aaverage ka ng 120 pesos isang customer x 10 customers, meron kang 1200 pesos per day.

Magkano comission ng Toktok?
Ang comission ng Toktok ay 20%

Mas maliit ba ang kikitain pag may operator?

Pareho lang ang kita, may operator man o wala.